Liksyon 11 Mga Lugar at Okasyon sa Pagsaksi Septiembre 2 - 8
.
Hapon ng Sabbath

"ANG RELIHIYON AY PARA SA IGLESIA!" wika ng nagdaraan habang tinatanggihan niya ang pulyetong iniaalok ng isang kaanib ng iglesia. "Ang pangangaral ay para sa di nananampalataya. At ito ay dapat gawin sa isang tolda! Hindi dito!" bulong ng isang lalaki sa kanyang asawa samantalang ang pastor ay nananawagan sa paglapit sa altar sa pagtatapos ng kanyang sermon.

Ngunit ang isang maingat na tingin sa aklat ng Gawa ay naghahayag ng nakakasorpresang iba-ibang lugal na ang mga naunang Kristiano ay nagbahagi ng ebanghelyo sa iba. Una, agad-agad matapos ang Pentecostes, ay sa "templo' (Gawa 2:46), at sa mga "bayan-bayan" (8:25), sa isang karuwahe (8: 28-32), "sa mga sinagoga" (13:5), "sa tabing ilog" (16;13), sa loob ng piitan (16:23-25), "sa pamilihang bayan" (17:17); sa "bundok ng Marte" (17:22), sa isang paaralan (19:9), sa isang barko (27:21-25), at sa tinutuluyan ni Pablo (28:23).

Kailan sumaksi ang mga naunang Kristiano? Ginawa nila ito sa "panahon ng panalangin" (3:1), ",maagang maaga pa" (15:21, "sa hatinggabi" (16:15), "araw-araw" (17:17; 19:9), at "mula umaga hanggang gabi" (28:23. Gayundin ay kung araw ng Sabbath (13:42, 44; 16:13; 17:2). Anbg liksyon s alinggong ito ay magsusuring malaliman sa "kailan" at "saan" ng pagsaksi. Sa pag-aarakl mo, bigyang pansin ang iyong sariling buhay. Kailan at saan ka sumasaksi? Ito ba ay natural na bahagi ng iyong buhay na iyong nalinang sa tulong ng Espiritu Santo?

SULYAP SA LINGGONG ITO:

I. Pangangaral sa Pakikipagkaibigan (Gawa 10:1, 2, 21, 22, 24).
II. Pangangaral sa Bahay (Gawa 5:42; 20:20; 28:17-31).
III. Pangangaral ng Paaralang Sabado (Gawa 16:13-15; 18:1-4).
IV. Pangangaral ng Pagsamba (Gawa 13:42-44).
V. Pangangaral sa Siudad (Gawa 17:16; 18:1, 9, 20).

TALATANG SAULUHIN: "Kung kayat silang nangalat ay nagtungo sa bawat dako na ipinangangaral ang salita" (Gawa 18:4, NKJV).

 

Hapon ng Sabado

Linggo
Lunes
Martes
Mierkoles
Huwebes
Biernes
.
Linggo • Septiembre 3

PANGANGARAL SA PAKIKIPAGKAIBIGAN (Gawa 10:1, 2, 21, 22, 24).

KAHULUGAN: Ang isang "network" ay tumutukoy sa isang grupo ng mga taong magkakauganay na impormal sa pamamagitan ng kusang-loob ng pagsasamahan, mga ugnayang propesyonal, taling pampamilya o lipi, o iba pang koneksyon." -Ray Bakke at Jim Hart, The Urban Christian (Downers Grove, IL: InterVarsity, 1987), p. 14.

Maraming halimbawa sa Biblia na nagpapakita kung paano, minsang ang ebanghelyo ay maipakilala sa isang tao, na ang paglago ng gilesia ay nagaganap sa pamamagitan ng mga bagong hikayat o sa isang network ng personal na ugnayan.

Ano ang matututuhan mo tungkol sa "pangangaral sa network" mula s amga sumusunod na halimbawa? Gawa 10:1, 2, 21, 22, 24; Marcos 5:18-20.

Dalawang katunayan ang halaga ng "pangangaral sa network." Ang unang katunayan ay kaugnay ng taong na, "Paano ka naging kaanib ng iglesia?" Sa pagitan ng 60 hanggang 90 porsiyento ng mga kaanib ng iglesia ay tutugon na ang kanilang unang nakatagpo sa pananampalataya ay sa pamamagitan ng mga Adventistang kamag-anak, kaibigan at kapitbahay.

Ang ikalawang katunayan ay kaugnay ng pagkaalam na hanggat mas malapit ang ugnayan ng isang kaanib ng iglesia sa mga di mananampalataya, hgit na mabisa at di gaanong magastos ang pagdadala ng di mananampalataya sa iglesia. Karamihan sa mga kamag-anak at kaibigan ng bagong binyag na kaanib ay hindi mga kaanib ng iglesia. Pagkaraan ng ilang panahon, ang bilog ng ugnayan ng bagong kaanib sa karamihan ay mga kaanib na ng iglesia. Bago ito maganap, kailangang ang bagong binyagan ay mapasiglang sumaksi sa kanilang network ng mga kaibigan, kasama sa trabaho at kaklase, kapitbahay, kaibigan, kahit mga dating kasama niya sa pagsamba.

Halos bawat kaanib ng iglesia ay maaaring sumagot ng Oo sa mga tanong na ito:

1) May mga kasama ka ba pamilyang hindi pa kaanib ng iglesia?
2) May mga kamag-anak ka bang di kaanib ng iglesia? Nais mo ba silang makita sa langit?
3) Ilan sa inyo ang may mga kaibigang nasa labas ng iglesia na nais ninyong makita s alangit?
4) May mga kapitbahay ba kayong di Adventista na nais ninyong makasama sa langit?
5) Ilan sa inyo mga kakilala ang hindi mananampalataya at nais ninyong mapunta s alangit?

Isulat sa isang bukod na papel ang mga pangalan ng tatlong tao sa bawat isang kategorya. Idalangin silang madalas, banggitin ang kanilang pangalan. Idalangin ding bigyan ka ng Dios ng mga pagkakataon upang makasaksi sa kanila.

 

 

Hapon ng Sabado

Linggo
Lunes
Martes
Mierkoles
Huwebes
Biernes
.
Lunes • Septiembre 4

PANGANGARAL SA BAHAY (Gawa 5:42; 20:20; 28:17-31).

Ang mga naunang Kristiano ay nakadama ng kalakhan ng gawaing iniwan sa kanila ni Jesus. Hindi sila nagsimula sa paggawa ng planong kalatan ang buong lupa. Nagsimula sila s aisang bahay. At dinalaw nila ang mga tao "sa bawat bahay" (5:42) sa Jerusalem, at sa buong Judea at Samaria (1:8). Ang gawaing sinimulan ay matatapos sa katulad ding paraan "Paano magagamapanan ang dakilang gawain ng pabalita ng ikatlong anghel? Sa kalakhang bahagi ay sa pamamagitan ng isahan, masikhay na pagsisikap, sa pagdalaw sa mga tao sa kanilang mga bahay." -Welfare Ministry, p. 97.

Ano ang matututuhan natin tungkol sa pangangaral sa bahay mula sa tsart sa ibaba?

Gawa 5:42 _________________________________________
Gawa 20:20 _________________________________________
Gawa 28:17-31 _________________________________________

Ang aklat ng Gawa ay nagsisimula sa pananalangin at paghihintay ng mga alagad ni Jesus sa mataas na silid ng isang bahay sa Jerusalem.. Mula sa hamak na pasimulang ito, ang mga mananampalataya ay tumanggap ng kalakasan at tapang upang ilaganap ang ebanghelyo sa Antioquia, Efeso at Roma, ang pinakamaimpluensyang mga siudad sa sanlibutang nang panahong iyon. Ngunit ang aklat ng Gawa ay nagtatapos kung saan ito nagsimula. Habang nakaaresto, si pablo sy sumasaksi sa isang bahay na kanyang tinitirhan na may mga guwardiyang marahil ay nakakadena sa kanya. Mula sa gayong hamak na posisyon, pinaniniwalaang si Pablo ay sumulat sa mga taga Efeso, taga Filipos, taga Colosas at kay Filemon. "Ang mga kaanib na layko ng ating mga iglesia ay makakaganap ng isang gawaing halos di pa nila napapasimulan….Maaaari silang mamahagi ng mga baabsahin, magdaos ng pulong sa kanilang mga tahanan, makipagkilala sa ,mga kapitbahay, at anyayahan silang dumalo s a,mga pulong na ito." -Christian Service, pp. 178, 179.

Ano ang itinuturo sa atin ng karanasan ni Pablo sa pagsaksi habang nakaaresto sa sariling bahay?

Anong paraan ng paglapit ang dapat kong sundin sa pag-anyaya sa aking mga kaibigan, mga kamag-anak at mga kapitbahay ? Paano ko sila aanyayahang sumali sa isang Bible study sa aking bahay?

 

Hapon ng Sabado

Linggo
Lunes
Martes
Mierkoles
Huwebes
Biernes

 

.
Martes • Septiembre 5

PANGANGARAL NG PAARALANG SABADO (Gawa 16:13-15; 18:1-4).

Saan nakipagtagpo si Pablo sa iba upang mag-aral ng Biblia at manalangin? Gawa 16:13-15; 18:1-4).

Kahit na ang isipan ng Paaralang Sabado ay bago pa, posibleng gamitin ang mga talatang ito upang tangkilikin ang isipang ang mga Paaralang Sabado ay makakahikayat ng mga kaluluwa. Hindi lamang nagkakalob ng maraming pagkakataon ang Paaralang Sabado, kundi magagamit din itong kasangakapn sa pag-akit ng mga bisita, pangangalaga at paghahanda sa mga di pa kaanib para sa bautismo, at pagbibigay ng aruga at pagtugaygay sa mga bagong binyagang kaanib. Karamihang tao ay sa Paaralang sabado ang unang ugnayan sa iglesia. Sa pagdalo ng ga bisita sa unang pagkakataon, ang init at kalidad ng programa ng Paaralang sabado ay may malaking papel sa pagtulong s akanilang magdesisyon kung sila ay babalik.

Anong paraan ng pag-aaral sa Biblia ang ginamit ni Pablo sa Corinto? Gawa 18:4. Ano ang masasabi nito kung paano dapat isagawa ang Paaralang sabado?

Ang mga kasunod na mungkahi ay kaugnay ng pakikitungo natin sa mga bisita sa ating mga serbisyo ng Paaralang Sabado. 1. Ang mga bisita marahil ay higit pa pakikinabganan kung may hiwalay silang Action Unit ng Paaralang Sabado. "Maraming madalas na nakikinig ng mga sermon, bagamat ang katotohahan ay inihahayag sa malinaw na paraan ang kaunti lamang ang napapakinabangan. Madalas na magiing higit na angkop kung ang mga pulong ng Sabbath ay tulad ng sa klase pag-aaral ng Biblia." -Evangelism, p. 348. 2. Sa halip na pag-aralan ang regular na liksyon sa Paaralang Sabado, higit na makikinabang ang mga bisita mula sa pag-aaral ng mga doktrina ng Biblia. Ang guro sa ganitong Action Unit ay dapat na may kaloob ng pagtuturo at pangangaral. 3. Mga kaanib, lalo na silang bagong binyag, ay higit na makikinabang kung kasama sa klaseng itong pambisita. Ngunit ipinapayong di dapat magsama ng mga bisita sa isang regular na klase ng Paaralang Sabado sapagkat ang mga paksang pag-uusapan doon ay batay sa regular na liksyon.

"Ang Paaralang Sabado ay dapat na maging isa sa pinakadakilang instrumento, at ang pinakamabisa, sa pagdadala ng mga kaluluwa kay Kristo." -Counsels on Sabbath School Work, p. 10. Paano ito magiging katunayan sa aking sariling iglesia? Ano ang magagawa mo upang mapalago ang iyong programa ng Paaralang dabado?

 

Hapon ng Sabado

Linggo
Lunes
Martes
Mierkoles
Huwebes
Biernes

 

.
Mierkoles • Septiembre 6

PANGANGARAL NG PAGSAMBA (Gawa 13:42-44).

Anong mga grupo ang nakinig kay Pablo sa Antioquia ng Pisidia? Gawa 13:42-44.

1. ___________________________________________________________

2. ___________________________________________________________

3. ___________________________________________________________

Sa Antioquia ng Pisidia na nasa probisnya ng Galacia, si Pablo at Bernabe ay dumalo sa mga serbisyo sa sinagoga, tulad ng kanilang kaugalian. Ginamit nila ang mga pagkakataong ito upang ipangaral ang ebnaghelyo. Ang kanilang mga sermon ay nmakatulong sa mga taong Hebreo sa pananampalataya, kasama silang nahikayat sa Judaismo, upang tanggapin si Jesus bilang Kristo. Ngunti nakatulong din sa mga bisitang Hentil ang kanilang mga sermon na maunawaan ang ebanghelyo. Malinaw na ang mga apostol ay natutong pagsamahin ang pagsamba at pangangaral.

Ano ang ginawa ni Pablo sa Corinto kung Sabbath? Gawa 18:4, 5. Anong dalawang partikular na simulain ang ibinibigay sa atin ng dalawang talatang ito tungkol sa pangangaral sa pagsamba?

1. _________________________________________________________

2. _________________________________________________________

KAHULUGAN: Ang pangangaral sa pagsamba ay ginagawang kasangkapan ng pangangaral ang pagsamba sa paglalahad ng mga doktrina sa panahon ng sermon at sa pag-aanyaya sa nakikinig na tanggapin si Jesus bilang kanilang Tagapagligtas. Ang pangangaral sa pagsamba ay maaaring gawin buong taon, sa permanenteng paraan, sa regular na pagsamba ng iglesia.

Bawat sermon ay dapat magpakilos sa nakikinig na maging lalopng malapit kay Jesus; "ang siyensya ng kaligtasan" ay dapat na maging "pasanin ng bawat sermon." -Gospel Workers, p. 160. Kung susundin natin ang mga patnubay na ito, makikita natin ang mga pagkahikayat at panunumbalik ng pagtatalaga kay Jesus sa ating mga serbisyo sa iglesia.

Paano magagamit ang mga serbisyo ng pagsamba sa iyong iglesia bilang kasangkapan sa pangangaral? Ano ang magagawa mong personal upang makatulong?

 

Hapon ng Sabado

Linggo
Lunes
Martes
Mierkoles
Huwebes
Biernes

 

.
Huwebes, Septiemebre 7

PANGANGARAL SA SIUDAD (Gawa 17:16; 18:1, 9, 10).

Ano ang naging karanasan ni Pablo sa pagdalaw sa Athenas? Gawa 17:16.

Ang Gawa 15-19 ay naglalarawan ng paggawa ni Pablo sa limang siudad: 1) kab. 15-Jerusalem; 2) kab. 16-Coprinto; 3) kab. 17 -Athenas ; 4) kab. 18-Corinto; 5) kab. 19-Efeso.

Bakit pinasigla ng Panginoon si Pablo na manatili sa Corinto matapos ang unang pangangaral niya roon? Gawa 18:9, 10.

Maraming dahilan kung bakit mayroon tayong malaking presensyang misyonero sa mga siudad:

1) industriya, gobyerno at edukasyon ay karaniwang nakaipon sa mga siudad;

2) dagsa ang mga taong lumilipat mula sa mga bayan tungo sa mga sentrong siudad;

3) ang mga maralita sa siudad, na nakatira sa mga pobreng lugal, at nasa pagitan ng ikaapat hanggang kalakating bahagi ng populasyon ng maraming malalaking siudad (sa iba-iba ring dahilan, ang mga taong ito ay higit na bukas sa ebanghelyo kaysa alin mang grupo); at

4) higit sa kalahati ng populasyon ng mundo ay nakatira sa mga siudad. Sapagkat ang mga siudad ang mga sentrong "ang kaaway ay pinaglilingkuran sa bawat paraan, at ang Dios ay madalas na nakakalimutan" (Life Sketches, p. 410), mga mananampalataya at mga pamilya lalo na, ay pinasisiglang manirahan s amga bayan-bayan (halimbawa, tingnan ang Copuntry Living, p. 24 at The Adventist Home, p. 139.

Ano ang pinakamabuting paraan kung gayon ng pangangaral sa mga lunsod? "Paulit-ulit na inatasan ako ng Panginoon na gumawa sa mga siudad mula sa mga sentrong tanggapan. Sa mga siudad na ito ay dapat tayong magkaroon ng mga bahayg ng pagsamba, bilang mga memoryal sa Dios, datapwat ang mga palimbagan, sa pagpapagaling maysakit at sa pagsasanay ng mga manggagawa ay dapat itatag sa labas ng mga siudad." -Country Living, p. 31. "Sana ay naingatan ni Lot ang kanyang pamilya sa maramoing kasa,maan kung hindi niya ginawang tahanan ang masama at maruming siudad [Sodoma]. Lahat ng ginawa ni Lot at kanyang pamilya sa Sodoma ay nagampanan sana nila, kahit kung sila ay nakatira sa lugal na malayo sa siudad." -Evangelism, p. 79.

Itala ang tatlong grupong sosyal sa siudad na kinatitirhan mo o malapis sa iyo. Aling mga minsitri ang angkop sa pag-abot sa kanila ng ebanghelyo? Paano mo isasangkot ang iyong sarili sa isa o higit pang ministri?

Hapon ng Sabado

Linggo
Lunes
Martes
Mierkoles
Huwebes
Biernes

 

.
Biernes Septiembre 8

KARAGDAGANG PAG-AARAL: Ipasiya kung alin sa mga talatang kasunod ang halimbawa ng pangangaral sa pakikipagkaibigan, pangangaral sa bahay, pangangaral sa pagsamba, at pangangaral sa siudad: 1 Hari 17; Jonas 1:1, 2; Juan 1:43-46; Daniel 3. Basahin ang lin man o lahat ng mga sumusunod: Christian Service, "Christian Help Work," pp. 186-193; Testimonies for the Church, tomo 6, pp. 21, 22; Counsels on Sabbath School Work," pp. 9-14; Gospel Workers, "Preaching Christ," pp. 156-160; Evangelism, The Metropolitan Masses," pp. 25-44.

"Ang pagbubuo ng maliliit na pulutong bilang saligan ng paggawang Kristiano ay inilahad sa akin ng Isang di magkakamali. Kung may malaking bilang sa iglesia, bahaginin sila sa maliliit na pulutong,upang gumawa hindi lamang para sa mga kaanib ng iglesia, kundi pati sa di mananampalataya. Kung sa isang dako ay may dalawa o tatlongng nakakaalam ng katotohanan, itatag silang isang pulutong ng manggagawa." -Testimonies for the Church, tomo 7, pp. 21, 22.

"Dalawin ang mga kapitbahay sa mapagkaibigang paraan, atmakipagkilala sa kanila." -Welfare Mnistry, p. 78.

MGA TANONG NA PAG-UUSAPAN: 1. Paano mo ipapakita ang praktikal na Kristianismo sa iyong mga kapitbahay? Mag-isip ng dlawa man lamang na na bagay na iyong presnesya ay madadama at matatanggap. Humayo ka at gumawa!

1. Anong mga paksang pag-uusapan sa maliliit na pulutong ang makakatwag ng interes ng mga taong "wala pang iglesia"? Anong mga paksa ang makakakit s akanila? Ipaliwanag ang iyong sagot. Paano mo mabubuo ang iyong sagot sa isang ministri?

2. Ang mga anusnyo ba ay dapat na maging bahagi ng serbisyo ng pagsamba? Angkop ba ang pagappasulong bilang bahagi ng semron? Angkop bang gamitin ang serbisyo ng pagsamba para sa pangangaral? Ipaliwanag ang iyong mga sagot.

3. Magtala ng tatlo man lamang na pagkakaiba ng pangangaral sa mga siudad at mga baryo. Anong pamamaraan ang magagamit sa mga siudad upang "mapasok" ang mga apartment?

BUUIN ang liksyon sa linggong ito sa pagsagot sa mga kasunod na tanong:

1) Kailan at saan sumaksi ang mga naunang Kristiano?
2) Ano ang itinuturo sa atin ng sagot sa unang tanong tungkol sa "kailan" at "saan" ng pagsaksi?
3) Magtala at maglarawan ng mga panahon at lugal ng pagsaksi na tinalakay ng liksyon sa linggong ito.
4) Ano ang kaibang gagawin mo sa pagsaksi bunga ng natutuhan mo sa linggong ito?

 

Hapon ng Sabado

Linggo
Lunes
Martes
Mierkoles
Huwebes
Biernes